Ito, ayon pa kay Concepcion ay bunsod sa magaganap na Christmas price reduction na palagiang nagaganap taun-taon sa World Market.
Niliwanag din ni Concepcion na higit pang pagbaba sa halaga ng gasolina ang maaaring maganap sa bansa sakaling pumayapa ang kaguluhan sa Iraq.
Samantala, minaliit lamang ng transport groups ang balitang ito ni Concepcion, kasabay nang pagsasabing hanggat hindi nila nakikitang bumababa ang presyo ng gasolina ay wala silang pagpapasalamat na gagawin sa balitang ito.
Ayon kay PISTON President Medardo Roda na sa katunayan, dapat ay magpatuloy ang pagbaba ng presyo ng gasolina dahil sa hindi naman masyadong kamahalaan ang presyo nito sa World Market kung ikukumpara sa mga pagtataas ng presyo na ginagawa ng mga oil companies sa bansa. (Ulat ni Angie dela Cruz)