Lalaki nadulas sa sariling ihi, patay

Isang lalaki ang iniulat na nasawi matapos na madulas sa kanyang ihi, kahapon ng madaling araw sa Pasong Tamo Bridge sa Quezon City.

Si Ramon de Guzman, 43, jack repairman sa vulcanizing shop sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City ay nasawi makaraang madulas hanggang sa mahulog sa tulay dahilan upang tumama ang ulo nito sa bato na nasa creek.

Dakong alas-3 ng madaling araw nang maisipan umano ng biktima na umihi sa gilid ng tulay na katabi ng kanyang pinagtatrabahuhang vulcanizing shop.

Dala ng sobrang kalasingan, hindi namalayan ng biktima na nababasa na ng kanyang ihi ang gilid ng tulay na kanyang tinatapakan hanggang sa madulas ito at mahulog.

Minalas na tumama ang ulo nito sa malaking bato sa creek na naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments