Dumulog kahapon upang magreklamo sa Mandaluyong City police ang dalawang biktima na kinilalang sina Kim Byoung Ki, 58, at ang business partner nitong si Park Ceok Hyon.
Base sa isinagawang imbestigasyon, si Kim ay dumating sa bansa nitong Oktubre 22 matapos umano itong tawagan ng kanyang kaibigang Filipina na si Lynda de Guzman na nagtanong rito kung interesado sa gold bars.
Napag-alaman na si Kim ay supplier ng charcoal sa NAPOCOR at matagal nang nagpapabalik-balik sa bansa.
Nang sumunod na araw ay nakipagkita umano sina de Guzman at Kim kay Marcial sa Robinsons Galleria na ipinakilala ng una na umanoy may kakilalang tao na nagbebenta ng gold bars sa murang halaga.
Nitong Okt. 24 ay muling nakipagkita ang dalawa kay Marcial na may kasamang isang lalaki sa nasabi ring mall dakong alas-7 ng gabi kung saan siniguro umano nito sa dalawang Koreano na bibigyan ang mga ito ng 30% diskuwento sa ibinebentang gold bars.
Bunga nito, agad na nakipag-deal ang dalawang Koreano sa suspect kung saan napagkasunduang bumili ng gold bars sa halagang P5 milyon.
Pinagsabihan umano ng mga suspect ang dalawang Koreano na magdasal muna bilang bahagi ng tradisyon sa bentahan ng gold bars.
Sinasabing nagkaroon umano ng switching o napalitan ang binili nilang gold bars sa sasakyan. (Ulat ni Joy Cantos)