Ayon kina DENR Secretary Heherson Alvarez at BOC Commissioner Antonio Bernardo, ang All Transport Network Warehouse sa Km.18 West Service Road, South Superhighway, Parañaque City ay naglalaman ng 29,835.20 kilo ng Genetron 12 Refrigerants o Chloroflucarbon-12 (CFC 12) na pag-aari ng EAC Chemical Phils.,Inc.
Nabatid na ang CFC ay Ozone Depleting Substance (ODS) na kadalasang ginagamit upang lumamig ang isang aircondition at refrigerator.
Sinabi ni Alvarez na hindi maaaring gamitin ang naturang kemikal dahil makakasama ito sa kalusugan kung hindi magagamit sa maayos na paraan.
Lumilitaw na ang ODS ay ipinagbabawal dahil malaki ang nagiging epekto nito sa balat at pangangatawan ng tao.
Sa katunayan umano, hindi na pinapayagan ang paggawa, pagbebenta at paggamit ng ODS sa taong 2010 batay na rin sa napagkasunduan ng mga lider ng Motreal Protocol on Substances na nagpapanipis ng ozone layer.
Bukod dito na ang nasabing kumpanya ay walang lisensiya para mag-import ng CFCs.
Maaari lamang mag-import ang CFC ng mga kemikal na hindi ODS alternative chemical tulad ng 404a, R-404a, HFC-125 at HFC-134a. (Ulat ni Doris Franche)