Hindi na umabot ng buhay sa Makati Medical Center ang biktima na nakilalang si Jenelyn Kue, ng 2531 Zapiro St., Brgy. Zobel ng lungsod na ito.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng isang hindi pa malamang dahilan ng pagtatalo ang biktima at ang asawa nitong si Joel dakong alas-9:45 ng gabi.
Para matapos na umano ang argumento ay lumabas ng bahay si Joel na hindi nito akalain na magtatampo ang asawa.
Habang nag-iisa sa loob ng bahay ang biktima ay naisipan nitong magpakamatay kayat kinuha nito ang isang bote ng barnis at inubos umano ang laman nito dakong alas-4:46 ng madaling araw.
Nalaman ng ilang kamag-anak ang ginawa ng biktima kayat hinanap nito ang asawa at sinabi ang ginawang pagpapakamatay.
Agad na umuwi ng bahay si Joel at mabilis na dinala sa nasabing pagamutan subalit sa daan ay namatay na ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)