Hindi umabot ng buhay sa Navotas Lying-In Clinic sanhi ng dalawang tama ng bala ng baril ang biktimang si Ricardo Garganta, 22, umanoy informer ng Drug Enforcement Unit ng Navotas police station at nakatira sa Int. Champaca, San Roque, Navotas.
Base sa ulat ni PO3 Noel Banarez, ang insidente ay naganap di-kalayuan sa bahay ng biktima sa naturang lugar dakong alas-5:30 ng hapon.
Nabatid na kasalukuyang nagsusugal ang biktima kasama ang ilang kapitbahay nang biglang sumulpot ang dalawang suspect na parehong armado ng baril at kaagad na pinagbabaril ang nasawi bago mabilis na nagsitakas.
Napag-alaman mula sa ilang kalugar ng biktima na marami na umano itong itinurong mga drug pusher at user sa pulisya at malamang na paghihiganti ang motibo sa naganap na insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)