Ang panukala ay ginawa ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada kay Phil. National Police chief Director General Hermogenes Ebdane.
Naniniwala ang mambabatas na makabubuti at makakatulong ang ganitong sitwasyon upang maiwasan na magkaroon ng kutsabahan sa ilegal na gawain ng mga ito.
Ayon pa kay Lozada, chairman ng House Committee on Foreign Relation na hindi maikakaila ni Ebdane na limang porsyento sa PNP personnel ay sangkot sa kidnapping, drug trafficking, illegal gambling, highway robbery, murder at extortion.
Idinagdag pa nito na hindi sapat na kumpirmahin lamang ni Ebdane kung sino ang mga pinaghihinalaang sangkot sa ganitong mga ilegal na aktibidades sa halip kailangan umanong gumawa ng paraan kaugnay sa nasabing sitwasyon.
Dahil dito, inirekomenda ng mambabatas kay Ebdane na bumuo ng battalion-sized unit na kinabibilangan ng mga bagong recruit na siyang magsasagawa nang pagkilala at mangangalap ng ebidensiya laban sa mga pinaghihinalaang police scalawags. Ito umano ay makakahalintulad ng internal affairs department ng United State police. (Ulat ni Malou Escudero)