Nabatid na isang umanoy bomba na nakalagay sa isang inabandonang bag ang ikinabit sa parlor ng asawa nito sa harapan ng kanilang tahanan sa Marikina City, gayunman matapos na magresponde ang mga tauhan ng pulisya napatunayang false alarm ang sinasabing bomba na laman ng kulay itim na bag.
Bago ito, nakatanggap umano si Parsons ng tawag sa telepono hinggil sa bombang itatanim sa kanyang tahanan buhat umano sa nakabangga niyang Waray Gang.
Dakong alas-6 ng umaga nang mamataan ang kahina-hinalang bag na iniwan sa may parlor ng kanyang misis sa ibaba ng kanilang tahanan subalit ng siyasatin ng mga pulis ang naturang bag napag-alaman na mga personal na kagamitan ang laman nito na pag-aari ng nalasing na arkitekto at naiwan sa naturang lugar. (Ulat ni Joy Cantos)