Manhunt sa killer ng asawa ng PSN reporter

Pinaigting ng pulisya ang pagtugis sa killer ng mister ni PSN reporter Angie dela Cruz na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Kahapon ay binawian na ng buhay si Alex dela Cruz, matapos ang ilang oras na pakikipaglaban sa kamatayan sanhi ng malalim na saksak sa dibdib sa Delos Santos Hospital.

Ang suspect na tinutugis ngayon ng pulisya ay nakilalang si Rodrigo dela Cruz, tiyuhin ng biktima na ngayon ay nahaharap sa kasong murder.

Matatandaan na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspect matapos na komprontahin ng una ang huli dahil sa pagdya-jumper ng kuryente. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments