Ang kinasuhan ay si Magno Cahutay, ng Barangay BF Homes, Parañaque City. Magugunitang naging biktima ng pamamaslang ang asawa nitong si Crisanta, 65; anak na si Ofelia at manugang na si Samuel Fernandez. Maging ang 7-anyos na apo na si Ulysis ay pinagtataga din nito at ngayon ay ginagamot sa Parañaque City Medical Center.
Walang takot na inamin ng suspect ang ginawang krimen kasabay nang pagsasabing hindi na niya matiis ang ginagawang pagmamaltrato sa kanya.
Lalo itong nagdamdam ng hindi bigyan ng kanyang asawa ng pera para ipambili ng gamot niya sa mata. (Ulat ni Lordeth Bonilla)