Ang direktibang ito ay nakapaloob sa Memorandum Order No. 77 na nag-aatas sa NAPOLCOM na bigyang kapangyarihan ang mga mayor sa may 13 siyudad at 4 na munisipalidad sa NCR na pangasiwaan ang operational control at supervision sa territorial units ng PNP sa kanilang mga hurisdiksyon.
Buo naman ang suportang ibinigay ng pamunuan ng PNP sa naturang kautusan at wala silang nakikitang problema ukol dito.
Nilinaw ni Police Community Relations Group chief General Ricardo de Leon na sa kabila ng naturang direktiba magkakaroon pa rin ng close coordination sa pagitan ng PNP at mga local government units sa NCR.
Itinanggi naman nito ang posibleng pagkakaroon ng pang-aabuso ng mga mayor sa mga hawak nilang pulis dahil sa masusing babantayan ng DILG ang mga ito at mas magiging mapanuri ngayon ang Commission on Human Rights (CHR).
Maraming tumututol sa naturang hakbang dahil sa posibilidad na gamitin ang mga pulis ng mga pulitiko bilang mga private army, gayunman idinahilan naman ng ibang pabor na makakatulong ang naturang aksyon dahil sa diretsong makapagbibigay na ng tulong pinansiyal at mga kagamitan ang mga lokal na pamahalaan sa mga police stations sa kanilang mga lugar. (Ulat nina Lilia Tolentino at Danilo Garcia)