Ito ang paratang ni Chief Insp. Nelson Feliciano, dating procurement officer ng BFP sa ginawang pagdinig ng senate committee on public order and illegal drugs na pinamumunuan ni Senator Robert Barbers.
Sinabi ni Barbers na seryosong alegasyon ang binitiwan ni Inspector Feliciano laban kay BFP chief Francisco Senot at iba pang opisyal na sangkot sa anomalya.
Bukod umano sa P20 milyong halaga ng ghost delivery na nagmula sa pondo sa special projects ng kagawaran ay ibinunyag pa ng whistle blower na umaabot naman sa P14 milyon ang nakuhang cash advances ng mga opisyal ng BFP mula sa mga suppliers nito.
Ibinunyag din ni Feliciano na ngayon ay operations officer ng BFP Region 3 nagkaroon na din ng overpricing sa naging improvement ng tanggapan ni Senot na umabot sa P540,000.
Aniya, nakasaad sa mga procurement receipts na bumili ng carpet tiles, gayung wala namang ikinabit sa opisina nito.
Bukod dito, bumili pa ito ng mga bed frames at kutson gayung opisina ito ng BFP at hindi naman bahay. (Ulat ni Rudy Andal)