300 pamilya nawalan ng bahay sa sunog

Tinatayang aabot sa 300 pamilya ang nawalan ng bahay matapos ang naganap na sunog sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa nakalap na ulat, bandang alas-9 ng gabi nang mag-umpisa ang sunog sa bahay ng pamilya Fuentes na matatagpuan sa Interior P. Zamora St., A. Mabini ng nasabing lungsod na kung saan ay mabilis na kumalat ang apoy.

Ayon kay FO1 Marcelino Esposo III, may hawak ng kaso dahil umano sa may kalumaan na ang mga bahay sa naturang lugar ay agad na kumalat ang apoy at nagdamay ng marami pang bahay.

Umabot hanggang Task Force Charlie ang alarma ng sunog na naapula dakong alas-11:09 ng gabi. Tinatayang aabot sa P10 milyon ang halaga ng ari-ariang tinupok ng apoy. Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naturang sunog. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments