Naging kontrobersiyal ang pag-validate sa boto ni Khalib Abo Hasim, dahil ito ang ika-82 na botong nakuha mula sa kabuuang bilang na 162 barangay chairmen na naghuhudyat para maisulong na ang Preparatory Recall Assembly. (PRA).
Nauna nang bumoto si Khalib para sa recall subalit binawi nito ang kanyang boto na mangangahulugan na patas na ang bilang sa pagitan ng mga nagnanais na maisulong ang recall at sa mga nag-nanais na huwag matuloy ang recall.
Ngunit nang humarap sa COMELEC kahapon ay muli na namang iginiit ni Khalib ang orihinal na posisyon na pumapabor siya sa pagdaraos ng PRA.
Nakasaad sa Omnibus Election Code na matutuloy lamang ang recall kung boboto para rito ang kalahati ng bilang ng mga barangay chairmen sa isang bayan. (Ulat ni Jhay Quejada)