Nakulimbat ng naturang grupo ang hindi pa mabatid na halaga ng alahas, cash at cellular phones, gayundin ang dalawang VCD players ng solon.
Sa ulat ng pulisya, sinabi ni Imee, anak ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos, nadiskubre niyang nawawala ang naturang kagamitan sa loob ng masters bedroom sa pagitan ng alas-8 hanggang alas-9 ng gabi.
Malaki naman ang paniwala ng pulisya na inside job ang naganap na panloloob, kaya naman dapat umanong ipinasailalim sa imbestigasyon ang mga katulong ng kongresista at maging ang security guards sa subdivision.
Sinabi naman ni Imee na hindi na niya paiimbestigahan ang kanyang mga katulong dahil sa malaki naman ang tiwala niya sa mga ito.
Nabatid na ang mga hindi pa nakikilalang suspect ay umakyat umano sa terrace ng bahay at dumaan sa sliding door ng kuwarto ng anak ni Imee na si Michael Manotoc.
Malamang umano na sumalisi ang mga magnanakaw habang siya at ang kanyang pamilya ay kumakain ng hapunan.(Ulat ni Angie dela Cruz)