Ito ang naging report ni Atty. Fernando Em ng Traffic Adjudication Service (TAS) kay LTO chief Roberto Lastimoso bunsod ng pinaigting na kampanya laban sa mga abusadong motorista.
Ang kinita ng LTO ay mula sa multa sa paglabag ng Seat Belt Act at iba pang non-moving violations tulad ng out of line,non registered vehicles at iba pa; smoke belching at colorum vehicles.
Kaugnay nito ay nagbanta si Lastimoso sa lahat ng mga colorum vehicle owners na bilang na ang kanilang mga araw dahil sa pinagsanib na kampanya ng DOTC,TMG, PNCC at MMDA.
Simula sa buwan ng Oktubre ng taong kasalukuyan ay wala ng improvised plates at lost plate partikular ang mga bus ang papayagang lumabas sa lansangan lalo na sa kahabaan ng Edsa.
Dalawang linggong palugit buhat noong Setyembre 16 ang ibinigay ng DOTC-LTO sa mga may-ari ng sasakyan na may lost at improvised plate na makakakuha na ng kanilang mga replacement plate.
Pagkatapos ng palugit na ito ayon kay Lastimoso ay wala ng ektensiyon na ibibigay at sila ay huhulihin sa hindi pagsunod sa batas.(Ulat ni Angie Dela Cruz)