Mister ginulpi ng misis at bayaw

Bugbog sarado ang isang mister matapos itong pagtulungang gulpihin ng kanyang misis at bayaw sa Marikina City kamakalawa.

Ang biktima na si Ronald Allan Ginez ng Greenheights Subdivision, ng nasabing lungsod ay personal na nagtungo sa pulisya para ireklamo ang kanyang asawang si Ma. Zoila,27 at bayaw na si Erickson Enriquez, 20.

Base sa imbestigasyon,ang biktima at ang misis nito ay matagal ng hiwalay kung saan naiwan sa pangangalaga nito ang kanilang anak.

Napagalaman na dakong alas-2 ng hapon ay nagtungo ang magkapatid na suspek sa bahay ng biktima para dalawin ang dalawang anak.

Subalit tumanggi umano ang biktima sa kahilingan ng dalawa dahil sa natutulog pa umano ang bata at hindi puwedeng gisingin.

Sa pag-aakalang itinatago ng biktima ang dalawang anak ay nagalit ang magkapatid at pinagtulungang gulpihin ang una. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments