Ito ay ibinunyag ng Quadpro, isang IT dealer na nag-supply sa Simbahan ng mahigit na P12 milyong halaga ng computer hardware at peripherals para sa CBCPNet, ang kumpanyang itinatatag ng CBCP upang maging Internet Service Provider (ISP) at systems integrator nito.
Subalit ang CBCP ay bumagsak at nag-iwan ng pagkakautang na mahigit sa P300 milyon (P327,229,863.29) batay sa "due diligence report" ng isang accounting firm noong nakaraang taon.
Dahil dito, marami sa mga pinagkakautangan ng Simbahan ang siya ngayong namumroblema kung saan sila kukuha ng pambayad sa kanilang mga suppliers, ayon kay Jonathan Khonghun ng Quadpro.