Ang ginawang pagsalakay sa Electronic Publishing Ventures Inc. sa Penthouse B, Pacific Center Condominium sa #33 San Miguel Ave., Ortigas Center, Pasig City ay alinsunod sa reklamo ng Symantec Corp. and Adobe System Inc. kung saan ilegal na nagbebenta ang nasabing kompanya ng mga piniratang software program computers.
Nasamsam mula sa nasabing pagsalakay ang mahigit 42 units ng computer na naglalaman ng mga piniratang Symatecs Norton Anti-Virus Software program at Adobe Software na nagkakahalaga ng P5 milyon.
Kaugnay nito, isang bodega na umanoy pagawaan naman ng mga pirated CD, VCD at DVD ang sinalakay din ng mga ahente ng NBI kung saan nakakumpiska rito ng mahigit na P5 milyong halaga ng mga gamit sa pamimirata.
Tinungo ng NBI ang bodega ng Industrial Complex na matatagpuan sa 168 Mercado St., Tabe Guiguinto, Bulacan na pag-aari ng isang nagngangalang Joffrey Aranda.
Nag-ugat ang ginawang pagsalakay base sa impormasyong natanggap ng NBI na ang nasabing bodega ay gawaan ng mga pirated CD, VCD at DVD. (Ulat ni Grace dela Cruz)