Ang mga ito ay agad namatay sa lugar ng pinangyarihan at isa sa dalawang holdaper ay nakilala lamang sa pangalang Erlindo Bokul na umano ay dating miyembro ng Philippine Army.
Ang taxi driver na kanilang hinoldap ay nakilalang si Miguelito Dilos-Castillos, 29, may-asawa, ng San Jose del Monte, Bulacan.
Ayon kay Inspector Eduardo Paningbatan, hepe ng Criminal Investigation Division ng Taguig police, ang dalawang suspek ay sumakay sa taxi ni Castillos na may plakang PXA-679 sa Gate 3 ng Fort Bonifacio Compound, dakong ala-1 ng madaling araw at magpapahatid sa Gate 1.
Pagsapit sa lugar ay nagdeklara ng holdap ang mga suspek at habang kinukulimbat ang perang kinita nito ay nagkataon naman na nagpapatrulya ang mobile patrol ng Community Precint 7 sa pangunguna ni PO2 Willy Salsona.
Hindi nasiraan ng loob si Castillos na humingi ng tulong sa pulisya na agad namang rumesponde.
Sa halip na sumuko ang dalawang holdaper ay pinaputukan umano nila ang mga pulis.
Gumanti ang mga pulis ng putok na naging dahilan ng kamatayan ng mga ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)