Sikyu may sama ng loob sa anak nagbaril sa sentido

Namatay noon din sa guard house ang isang sikyu matapos itong magbaril sa sentido dahil sa sobrang sama ng loob sa kanyang anak na dalaga matapos siyang suwayin sa utos nitong huwag munang makipag-boyfriend kamakalawa ng gabi sa Sta.Ana,Maynila.

Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng kalibre .38 sa sentido ay nakilalang si Danilo Ortiz,36,nakatira sa Amatista st.,San Andres Bukid ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon,dakong alas-7:30 ng gabi nang matagpuan ang biktima na may tama ng baril sa sentido sa mismo ng kanyang tinatanuran.

Napag-alaman sa mga awtoridad na mayroong kimkim na tampo ang biktima sa anak nitong dalaga dahil sinaway nito na huwag munang makipag-boyfriend.(Ulat ni Rudy Andal)

Show comments