Umapela kahapon kay COMELEC Chairman Benjamin Abalos Sr. si barangay captain candidate Munding Manapat na imbestigahan ang umanoy naganap na dayaan sa Barangay Catmon ng nabanggit na lungsod.
Matapos nitong ireklamo ang isang teacher na nakilala lamang sa pangalang Mrs. Avila at kapanalig umano ni incumbent barangay captain Jojo Cruz, na siyang nagmaniobra sa umanoy dayaan sa nabanggit na lugar.
Nabatid ng mag-umpisa ang bilangan dakong alas-3 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi ay lamang na si Manapat laban kay Cruz.
Ayon kay Manapat sandaling umalis ng voting precint ang kanyang mga watcher, na pansamantala munang magpapahinga. Ngunit kinabukasan, dakong ala-6 ng umaga nakatanggap ng impormasyon ang naturang kandidato na lamang na sa bilangan ang kanyang katunggali.
Napag-alaman na nawala umano ang tatlong ballot boxes, na ang munero 179, 180 at 181 at dalawang watcher ni Manapat na pinaniniwalaang dinukot ang mga ito.
Bukod sa apila ng naturang kandidato kay Abalos, nanawagan din ito kay Department of Education, Culture and Sports Secretary Raul Roco, na imbestigahan ang nabanggit na guro.
Samantala, mariin namang itinanggi ng kampo ni Cruz ang nasabing akusasyon. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)