Pulis nanakot ng botante, inaresto

Sa Muntinlupa City naman, dinakip si PO3 Marciano Manalo habang nakatalaga sa Sucat Elementary School dakong alas-9 kahapon ng umaga kaugnay nang iniharap na reklamo ni Domingo Pilapil, 45, at ang asawa nitong si Salvacion.

Tinakot umanong papatayin ng naturang pulis ang mag-asawang Pilapil kapag hindi binoto ng mga ito ang kanyang (pulis) misis na tumatakbong barangay chairman sa naturang lugar.

Apat na barangay din sa Las Piñas ang sinuspinde ang eleksyon dahil sa apektado pa rin ng mataas na tubig-baha. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments