Gayunman, may ilang lugar dito na bagamat baha pa rin ay masiglang nairaos ang halalan.
Sinabi ni election officer Armando Mallorca ng Malabon City, bagamat may ilang mga problema agad naman itong nabigyan ng kalutasan.
Sa ilang lugar na lubhang mataas pa ang tubig baha ay sinuspinde na lamang ang eleksyon.
Sa Malabon pa rin, 10 sa 21 barangay dito ang hindi natuloy ang eleksyon dahil sa mataas pang tubig
Sa Navotas, apat na barangay pa ang hindi nakapagdaos ng halalan at sa Valenzuela City 16 sa 32 barangay dito ang hindi pa rin natuloy ang eleksyon.
Samantala, hindi natuloy ang pagsasagawa ng barangay/SK election sa tatlong barangay sa Quezon City na kinabibilangan ng Tatalon, Imelda sa district 4 at Mariblo sa district 1.
Ayon kay QC district 4 election officer Evelyn Bautista, ang pagsuspinde sa eleksyon sa mga nabanggit na barangay ay kaugnay ng ibinabang en banc resolution ng nasabing poll body. (ulat nina Rose Tamayo/Angie dela Cruz)