Ito ay kabilang sa labintatlong flying voters sa Pasig City na inaresto ng mga awtoridad. Lima dito ang gumamit sa mga pangalan ng mga nagsiyao na at ang ilan bagamat buhay pa ay nasa ibang bansa naman.
Ang mga dinakip ay umaming binayaran ng tig-P100 kapalit ng pagboto nila sa ibang pangalan.
Ang mga suspect ay nagsipagboto sa Buting Elementary School, Brgy. Buting ng nabanggit na lungsod.
Kung ang mga pangalan ng mga patay ay nasa listahan pa at nabotohan ng iba, may 14 namang katao sa nasabing barangay ang bagamat may karapatang bumoto at mga buhay ay wala naman ang mga pangalan sa voters list. (Ulat ni Joy Cantos)