Biyahe sa NAIA, normal

Normal ang flight operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa Manila Domestic Airport (MDA) kahit na may tubig-baha ang runway at nakalubog ang ilang kalsada sa Metro Manila at karatig-pook nito.

Gayunman, may mga kanseladong domestic flight sa MDA hindi dahil sa bagyong Inday kundi sa ilang problema ng mga eroplano tulad ng Air Philippines flight 540 galing Davao patungong Maynila kabilang ang dalawang flights nito na buhat sa Puerto Princesa at Iloilo.

Kasunod din sa mga nakanselang flight operation ay ang eroplanong Asian Spirit na may flight 886 at 870 na pawang nasa Caticlan, Aklan dahil sa problema sa marketing.

Samantala, sinabi ni PNP-ASG Director Marcelo S. Ele Jr. na patuloy ang kanilang isinasagawang pagbabantay at pagmamanman sa mga hinihinalang terorista na tangkang pasukin ang mga airport terminals sa buong bansa kabilang dito ang dalawang international airport terminal (NAIA at Centennial Airport). (Ulat ni Butch Quejada)

Show comments