Nakilala ang mga nahuling suspects na sina Diana Noay, 43, sinasabing utak ng grupo; Linda Malabanan, 48 at Alejandro Malijan, 33.
Sinabi ni Chief Supt. Marcelo Ele, PNP-ASG chief na dakong alas-9 kamakalawa ng gabi ng masakote ang mga suspect. Ito ay matapos ang may isang linggo nilang surveillance operation na isinagawa makaraang magreklamo sa kanilang tanggapan ang isang Marites Blanco na gustong biktimahin ng grupo na pinangakuang makakaalis patungong Italy. P280,000 ang hiningi ng grupo sa kanilang biktima.
Matapos mahulog sa entrapment operation nabatid pa na si Noay ay may standing warrant sa Batangas dahil na rin sa kasong large scale illegal recruitment at may patong pang P1 milyon sa ulo.
Nasamsam sa mga nadakip ang 15 pirasong Philippine passports, 3 Indonesian at isang Pakistani. (Ulat ni Butch Quejada)