Sinabi ni Acting Press Secretary Silvestre Afable na ang pagtatalaga kay Abalos kapalit ni dating Chairman Alfredo Benipayo ay nilagdaan ng Pangulo na may petsang Hunyo 5 ngayong taon.
Si Abalos ay papalit kay Benipayo na nabigong makalusot sa makapangyarihang Commission on Election (CA).
Samantala, sinabi ni Afable na wala pang hinihirang ang Pangulo na kapalit ni Abalos sa MMDA.
Sinabi pa na pinagpipilian ni Pangulong Arroyo sina dating Congressman Ignacio "Toting" Bunye at dating Marikina Mayor Bayani Fernando bilang hahalili kay Abalos sa MMDA.
Taliwas kay Benipayo, muling itinalaga ng Pangulo ang mga Comelec Commissioners na sina Rex Borra at Florentino Tuazon.
Kasabay nito, ipipilit naman ng Malacañang ang kumpirmasyon ng mga miyembro ng Gabinete na hindi nakalusot sa CA.
Inihayag ni Afable na muling itinalaga ng Pangulo sina DOTC Secretary Pantaleon Alvarez at DENR Secretary Heherson Alvarez.
Ito ay matapos na mabigo rin ang dalawang Alvarez na makalusot sa CA. (Ulat ni Ely Saludar)