Kinilala ni Inspector Salvador dela Cruz, hepe ng Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela Police ang nasawi na si Alice Francisco, 29, ng Telecon Compound, Karuhatan ng nabanggit na lungsod.
Nakilala naman ang suspect na si Arthur Rafael, 38, ng nabanggit ding lugar.
Ayon sa pulisya, dakong alas-6:45 ng gabi kamakalawa nang maganap ang krimen sa bahay ng mag-live-in sa naturang lugar.
Napag-alaman na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa makaraang komprontahin ng biktima ang suspect tungkol sa umanoy pambababae nito
Sinabi ng isang saksi na pumasok sa loob ng kanilang kuwarto ang dalawa at doon nagtalo. Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas ang biktima na duguan bunga ng tinamong saksak sa may kilikili na nagsanhi sa agaran nitong kamatayan.
Nagtangka pang tumakas ang suspect subalit nasabat siya ng mga nagrespondeng awtoridad. (Ulat ni Rose Tamayo)