Ayon kay Tinga dapat unahin ng mga kontratista sa nasabing lugar ay ang kaligtasan ng kanilang mga trabahador at pagsunod sa mga regulasyon ng National Building Code para hindi maulit ang mga sakuna sa darating na panahon.
Binigay ni Tinga, ang babala matapos suspendihin ng local building official ang paggawa ng MC Home Builders noong nakalipas na linggo.
Ito naman ay matapos na masugatan sa ulo at katawan ang isang trabahador ng LKS Construction na si Gilbert Calvadores makaraang mabagsakan ng steel trusses.
Ang 150-ektaryang Global City sa Fort Bonifacio ay isa sa pinakamalaking nagbabayad ng buwis sa munisipalidad at nagbibigay ng trabaho sa mga residente ng Taguig. (Ulat ni Danilo Garcia)