Kasalukuyang nasa Quezon City General Hospital ang dalagang si Romina Alfonso, estudyante, ng Barangay Nova Proper, Novaliches, Quezon City.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon nang damdamin ng dalaga ang panenermon ng kanyang ina patungkol sa madalas na paggimik nito at pag-uwi ng alanganing oras kasama ang mga barkada.
Matapos mapagsabihan ay nagkulong na sa kuwarto ang dalaga. Makalipas ang ilang sandali ay kinatok ito ng kanyang ina para maghapunan subalit hindi ito sumasagot man lang.
Dahil dito, kinabahan ang kanyang ina kung kaya puwersahang binuksan ang pinto hanggang sa makitang nangingisay ang anak at bumubula ang bibig habang hawak pa sa kamay ang isang botelya ng Zonrox.
Mabilis itong isinugod sa pagamutan at ngayon ay nasa malubhang kalagayan. (Jhay Mejias)