4-anyos hinalay sa simbahan

Isang 4-anyos na paslit ng pinagsamantalahan ng isang hayok sa gilid ng isang simbahan sa Pasig.

Sinampahan ng kasong statutory rape sa Pasig Prosecutor’s Office ang suspect na nakilalang si Enrico Noquera, walang trabaho at residente ng Karangalan Village, Barangay Manggahan sa nabanggit na lungsod.

Ito’y matapos na magreklamo sa pulisya ang isang ina kaugnay sa ginawang panghahalay ng suspect sa kanyang 4-anyos na anak,

Base sa sumbong, naganap ang panghahalay dakong alas-2 ng hapon sa gilid ng Sto. Niño Parish Church sa may Panama St., Greenpark Village.

Isang saksing si Antonio Nieva, mason, ang mismong nakasaksi sa panghahalay ng suspect sa biktima na mabilis na sumaklolo sa paslit at hinabol ang rapist.

Kasalukuyang nakadetine ang suspect sa Pasig detention cell. (Danilo Garcia)

Show comments