Mekaniko nagbigti sa barb wire

Dala ng matinding kalungkutan sa pamilya ang dahilan nang pagpapakamatay ng isang mekaniko matapos itong magbigti ng barbwire, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Greg Gomez, 45, ng Block 4, Lot 6, Carnacion St. Balaraw Subdivision, Brgy. Talon 4 ng nabanggit na lungsod.

Lumabas sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Aristotle Raquion, ng CID Las Piñas police, dakong alas-9:10 kahapon ng umaga nang matagpuan ng isang Evelyn Lardizabal, na nakabigti ang leeg ng barbwire at nakasabit sa isang kahoy sa tinutuluyan nitong kuwarto.

Kaagad namang ipinagbigay alam ni Lardizabal sa pulisya ang insidente.

Masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya para alamin kung may naganap na ‘foul play’ sa insidente. (Lordeth Bonilla)

Show comments