Kinilala ni Chief Insp. Jaime Silva, warden ng Pasay City Jail ang biktima na si Rolando Flores, 21, may kasong robbery hold-up at nakapiit sa selda 2 ng naturang piitan. Ito ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang braso.
Samantala, mabilis umanong tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect na umanoy nakasuot ng kulay pulang polo shirt at pantalong maong.
Ayon sa imbestigasyon naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi kamakalawa.
Nabatid na nagsasampay ng damit ang biktima sa bakal na bintana sa loob ng comfort room nang marinig ang putok ng baril. Ilang segundo pa ay naramdaman nito ang pag-init ng kanyang kanang braso at saka nakita ang umaagos ng dugo.
Mabilis namang isinugod ang biktima sa Pasay City General Hospital, habang pinaghahanap naman ang suspect na sinasabing palagiang nagpapaputok ng baril sa naturang lugar. (Lordeth Bonilla)