Bayolanteng cartoons iba-ban sa ere

Bunsod ng psychological violence at sa nakakasirang epekto ng mga dayuhang cartoons show sa telebisyon ay isang panukalang ordinansa ang inihayag ni District 1 Councilor Francisco Dumagoso (Isko Moreno) sa Manila City Council, kamakalawa.

Sinabi ni Dumagoso na co-chairman ng Education Committee na ang mga anime o cartoons tulad ng Dragon Ball Z at iba pang mga kauri nito ay mayroong matinding epekto sa subliminal minds ng mga regular na nanonood nito.

Ayon kay Dumagoso ay isang clinical study ang ginawa sa bansang Switzerland ay dito napatunayan na ang lahat ng mga batang nasanay sa mararahas na cartoons ay lumalaking bugnutin, magagalitin at bayolente.

"Ang kailangan natin sa hinaharap ay mga kabataang magiging pundasyon ng ating bansa sa pag-unlad at hindi mga nilalang na ang tingin sa karahasan ay isang ordinaryong bahagi lamang ng emosyon," pahayag pa ng konsehal.

Sinabi pa nito na sa halip na mga violent cartoons ang ipalabas sa mga telebisyon ay yaong mga cartoons na lamang na mayroong matinding value formation at kumikilala ng buhay bilang mahalagang bahagi ng lipunan. (Andi Garcia)

Show comments