Ang nasabing paligsahan ay pinangunahan ni Bureau of Correction director, Ret. Col. Ricardo Macala at ilang matataas na opisyal ng NBP.
Humigit-kumulang sa 14 na inmates ang sumali sa naturang paligsahan.
Ang video king contest ay isa lamang sa inihahandang rehabilitation program ng pamunuan ng bilangguan sa layuning mabawasan kundi man tuluyang mapigil ang mga pagra-riot sa piitan ng ibat ibang grupo.
Layunin din nito na mabawasan ang kalungkutan ng mga bilanggo na nangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay. (Lordeth Bonilla)