Ginang sinaksak ng bayaw, todas

Isang ginang ang napatay makaraan saksakin ng kanyang bayaw na nagalit ng makitang natatalo ang anak nito sa pakikipagsabunutan sa biktima kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Wala nang nagawa ang mga doktor ng E. Rodriguez Hospital para isalba ang buhay ni Elma Balictuado, 42, ng Lower Talanay Batasan Hills QC.

Mabilis namang tumakas ang suspect na kinilalang si Elastacio Balictuado ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ng Criminal Investigation Unit ng Central Police District Office (CIU-CPDO), alas-9:30 kamakalawa ng gabi ng maabutan ng suspect ang biktima at ang anak na babae na si Eliza dela Paz na nagsasabunutan.

Nang makita ng suspect na natatalo ang anak ay agad na kumuha ito ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments