Barker binoga, todas

Basag ang bungo ng isang barker matapos na barilin ng isang hindi nakilalang lalaki na nagpanggap na pasahero sa pilahan ng mga jeepney, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Dead-on-the-spot ang biktimang nakilalang si Joel Angeles, 36, ng #751 Coronado St., Brgy. Hulo ng lungsod na ito.

Inaresto naman ng mga pulis ang jeepney driver na si Felicisimo Benis, 58, matapos na mapagbintangan na kasabwat ng tumakas na gunman nang patakbuhin nito ang kanyang jeep matapos ang pamamaril.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Benis na hindi umano siya kasabwat ng suspek sa pamamaslang kay Angeles. Umupo na lamang umano ito sa kanyang tabi sa driver’s seat na akala niya ay ordinaryong pasahero lamang dakong alas-7:20 ng gabi sa jeepney terminal.

Nagulat na lamang umano siya nang maglabas ito ng kalibre .38 na baril nang mapatapat sa biktima ay agad na binaril ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments