Ang dinakip ay si Vic Mendenilla, chief ng Flying Squad ng LTO sa aktong tumatanggap ng halagang P15,000 mula sa isang opisyal ng BLTB Company kapalit ng pagpabor nito sa pagpapalabas ng mga kumpiskadong bus ng naturang kompanya na una nang inimpound ng LTO dahil sa ibat ibang paglabag sa traffic rules.
Lingid sa kaalaman ni Mendenilla, nakipag-ugnayan ang BLTB management sa NBI at isinumbong ang katiwalian nito.
Bunsod nito, nagsagawa ng operasyon ang NBI laban dito at agad na sinunggaban si Mendenilla matapos na hawakan ang sinasabing markadong pera.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni LTO chief Roberto Lastimoso na hindi niya kakanlungin ang sinumang tiwaling tauhan bagkus ay irerekomenda pa niya na masibak ito sa puwesto.(Ulat ni Angie dela Cruz)