Kasabay nito, inatasan din ni Lina si PNP Chief Director General Leandro Mendoza na magsagawa ng imbestigasyon at idetermina ang administrative at criminal liability kapag may matibay na ebidensiya sa PNP chemist na si Inspector Vivian Sumabay na naiulat na hindi nakarating sa mga pagdinig ng kaso sa korte ng sinasabing mga dayuhan.
Batay sa liham ni Lina kay DOJ Secretary Hernando Perez, hiniling nito na magsagawa ng kaukulang hakbang upang mapabago ang naging desisyon ni Pasig City RTC Judge Rodrigo Lorenzo ng Branch 266 at maging ang pag-iimbestiga sa umanoy hindi pag-aksyon ng prosekusyon para tanggihan ang petisyong pagpipiyansa nina Chua Chiy Li; Huang Hong Wei; Joey Lu; Xingfu Wang at si Tomas Lu na naaresto noong nakalipas na Nobyembre sa 44 St. Augustine St. Capitol 8 Subd. sa Pasig.
Batay sa ulat, hindi umano, tinutulan ni Assistant City Prosecutor Conrado Tolentino ang petisyon nina Li para makapagpiyansa, kahit na non-bailable ang nasabing kaso makaraang mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng ilang milyon at iba pang ilegal na chemical ang mga suspect.
Pinasisiyasat din ni Lina si Sumabay na hindi umano dumalo sa mga pagdinig. Ang pagdalo umano nito ay may malaking maitutulong sa pagpapatibay sa kaso laban sa mga suspect. (Ulat ni Jhay Mejias)