2 movie stuntmen binurdahan ng saksak, 1 patay

Dalawang stuntmen ang nakursunadahang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang mga thrill killer habang naglalakad ang mga ito papauwi sa kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Wala nang buhay nang idating sa Quirino Labor Hospital si Renato Pepino, 28, habang nasa kritikal namang kalagayan ang kasamahan nito na si Roberto Romales, 23.

Nabatid na naganap ang krimen dakong alas- 2:45 ng madaling araw malapit sa Barangay Hall ng Pansol habang naglalakad ang dalawang magkaibigan papauwi sa kanilang bahay nang harangin ng isang grupo ng mga kalalakihan at walang sabi-sabing pinagtripang undayan ng saksak ang dalawang biktima.

Matapos ang ginawang pananaksak ng grupo ng mga suspect ay parang walang nangyaring iniwan na lamang nakahandusay ang kanilang mga biktima.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments