Paika-ika na nagtungo sa pulisya ang biktima na nakilalang si Aileen Mella,18, ng Baesa st., SFDM, QC para ipagharap ng reklamo ang hindi pa nakikilalang kostumer na Intsik.
Sa reklamo ni Mella, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw sa loob ng VIP room ng Valiant KTV na nasa Scout Tobias kanto ng Timog Ave.
Humihiling umano ang suspek sa biktima ng quick sex subalit magalang na tumanggi ang huli.
Nagwala umano ang suspek at pinag-gugulpi ang biktima hanggang sa ito ay mawalan ng malay tao.
Nang magkamalay ang biktima ay wala na ang suspek. (Ulat ni Jhay Mejias)