16 timbog sa pagnanakaw ng kable ng kuryente

Umaabot sa 16 magnanakaw ng kable ng kuryente na miyembro ng "Sitaw gang" ang dinakip ng Philippine National Police (PNP) matapos ang kanilang surveillance pagkaraan ng Semana Santa.

Kinilala ang mga suspek na sina Amadeo Pantaleon, Gerald Guanzon, Ariel Yasis, Rogelio Medina, Melchor Inoceno, Rolan Ausano, Renato Loncod, Eduardo Garcia, Jose Diego at Jesus Ibanez, Pablo Ballaras, Gemar Serwin Ballaras, Gregorio Oraye, Joey, Angelina Pasco at Jaime Vera, pawang mga residente ng Laguna.

Nabatid na sinamantala ng mga suspek ang pagdiriwang ng Semana Santa nang hindi nalalaman na nakaalerto ang mga kapulisan.

Tinangka ng mga suspek na itakas ang 3,000 kilo ng transmission wires mula sa National Transmission Corp. (NTC).

Ang mga naturang kable ay galing sa San Jose-Kalayaan Transmission Line Tower na matatagpuan sa #19-24 Sitio Alulay, Paete, Laguna.

Maliban sa kable, nakuha mula sa mga suspek ang isang .38 caliber revolver at ang sasakyang (JER-449) gamit pagnanakaw ng kable.

Sinabi naman ni NTC president Asistio Gonzaga na ang pagnanakaw ng kable ay matagal nang problema sa bansa dahil umaabot na sa 36 kilometers aluminum transmission ang nawawala.

Tinatayang bilyong halaga ng mga nagastos ng NTC upang mabawi ang mga nawalang transmission wires. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments