Sinabi ni MMDA Chairman Benjamin Abalos,inaasahang maraming makikiramay na tagahanga ng batang aktor ang sasama sa paglilibing kayat humingi ng tulong ang pamilya ni Rico upang maging maayos ang trapiko sa lugar na dadaanan ng mga makikipaglibing.
Bago ang paghahatid sa huling hantungan ni Rico,ay isang misa ang idaraos dakong alas-9 ng umaga sa La Salle Greenhills Gym kasunod ang paglahok ng 200 motorcade.
Maglalagay naman ng 130 PNP security personnel na magbibigay ng security sa lugar ng paglilibingan.
Si Yan ay binawian ng buhay dahil sa bangungot noong Biyernes Santo habang ito ay nasa kuwarto ng Dos Palmas Resort sa Palawan at nagbabakasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)