Bangkay ng lalaki nalambat sa Ilog Pasig

Sa halip na isda, hubo’t hubad na bangkay ng lalaki ang nalambat ng isang mangingisda sa ilog ng Pasig City kahapon ng umaga.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa 34 hanggang 45 ang edad, maiksi ang buhok, may taas na 5’3’’ hanggang 5’5’’, may kaputian ang kutis ng balat.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang ito ay malambat ng isang mangingisda na si Benbenito Barbosa, 47, habang ito ay namamangka sa Marikina River Bank na nasasakupan ng ilog Pasig.

Kaagad nitong ipinagbigay alam sa pulisya ang nasabing bangkay.

Walang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima ang pulisya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments