Hanggang sa kasalukuyan nasa kritikal na kondisyon si Marionito Pantillan, isang out-of-school-youth, nakatira sa Dahlia St., Bgy. Payatas Quezon City sa East Avenue Medical Center dahil sa grabeng saksak sa leeg.
Habang agarang sumuko naman ang suspek na itinago sa pangalang Rizal", 13-anyos at nakatira malapit sa bahay ng biktima.
Sa imbestigasyon, alas-9 ng gabi habang nakaistambay sa kanilang lugar si Pantillan nang dumaan sa harapan nito ang tinderong may tinda ng mga tinuhog na mangga. Anilay nais na bumili ng mangga ang biktima ngunit walang pera ito. Nagkataon naman dumaan si Rizal at hiningan ng piso ni Pantillan pambili ng mangga, ngunit tumangging magbigay ang huli.
Kinulit ni Pantillan si Rizal hanggang sa napundi na umano ang huli at bigla na lamang sinaksak ang biktima. (Ulat ni Jhay Mejias)