Ang hakbang ay inutos ni Belmonte kaalinsabay ng sariling imbestigasyon na isinagawa hinggil dito ng mga miyembro ng Konseho ng lungsod.
Nakarating ang ulat sa tanggapan ng alkalde ang reklamo ng mga magulang ng batang sanggol na namatay na nakilalang si Baby John Patrick David Garcia-Duang.
Nakasaad sa reklamo ni Mrs. Duang na bunga ng kapabayaan ng mga doktor sa pangunguna ng isang Dr. Pilar, namatay ang kanyang anak matapos na tumanggi ang huli na asikasuhin ito dahil sa kawalan ng perang pambayad sa naturang pagamutan.
"Sabi ko po sa mga doktor doon na i-ceasarian na ako dahil manganganak na ako pero nang malaman na wala akong pambayad sa ospital, hindi nila ako inasikaso... kayat namatay ang aking sanggol," pahayag ni Mrs. Duang.
Kaugnay nito, binanggit naman ni QC Councilor Ariel Inton na kapag napatunayan nilang may dapat panagutan ang nabanggit na pagamutan, ang kasong ito ay iaakyat sa Justice Committee ng QC Council upang pormal na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga nagpabaya sa kanilang tungkulin. (Ulat ni Angie dela Cruz)