Sa isang press conference, nanawagan si Lim na sana ay isaisantabi muna ng mga Comelec commissioners ang kanilang personal differences at bigyang-tugon ang naturang rekomendasyon, "because otherwise, where will protestants seek justice?"
Nabatid na nagpalabas ng rekomendasyon sina Comelec-NCR Directors Ferdinand Rafanan at Esmeralda Amora-Ladra base sa kanilang naging findings na diumano, nagsagawa si Atienza ng premature campaign at namili ng boto gamit ang pondo ng pamahalaang-lokal ng Maynila, bukod pa sa ito ay ginawa niya sa prohibited period.
Ang rekomendasyon ay ibinatay naman ng Comelec sa petisyon na iniharap ni Atty. Amando Tetangco kung saan sina Lim at dating Congressman Amado Bagatsing ay pumasok bilang intervenors.
Sinabi ni Tetangco na noong ginanap ang canvassing, ang 32 ballot boxes ay mali umanong dinala ng mga guro kay city treasurer Liberty Toledo.
At ang ibinigay lamang sa canvassing body ay ang resulta ng boto at mahigit isang linggo itinago ang mga ballot boxes. (Ulat ni Andi Garcia)