Ang suspek na si Fiscal Pedro Salanga, 57, ng Third Division ng MPO ay inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dakong alas-4 ng hapon sa Seattles Coffee Shop sa loob ng SM Manila.
Ayon kay NBI- Asst. Regional Director ng NCRPO, Atty. Edmund Arugay na inaresto ang suspek matapos tanggapin nito ang P5,000 marked money mula sa nagrereklamong si Atty. Joel Ferrer.
Si Ferrer ay abogado ng isang kasong slight physical injuries at slander by deeds na bumagsak sa division ni Salanga.
Nagtungo si Ferrer sa tanggapan ng suspek at tinanong kung ano na ang kinahihinatnan ng kaso ng kanyang kliyente.
Nagwika umano si Salanga na agad na mailalabas ang resolusyon kung magbibigay ito ng nasabing halaga.
Pumayag ang kliyente ni Ferrer, gayunman ito ay humingi ng tulong sa tanggapan ni Arugay at dito isinagawa ang entrapment.
Samantala ang suspek namang si Ricardo Barana, 51, ng Sampaguita St., ay dinakip ng pulisya dakong alas-8 ng gabi habang kinokotongan nito ng P1,200 ang biktima na si Laila Valencia, 27.
Ayon kay Valencia,siya ay tinatakot umano ng suspek na ipapasara ang kanyang tindahan kung hindi maibibigay ang nasabing halaga.
Humingi ng tulong sa barangay ang biktima na nakipag-ugnayan naman sa pulisya na naging daan para maaresto ang suspek. (Ulat nina Ellen Fernando at Lordeth Bonilla)