Sinabi ni Dr. Teresita Lim, city health officer, lumalabas na 29 inmates ang may sakit na TB sa 390 mga nakakulong sa loob ng city jail matapos na isailalim sa x-ray examination.
Ayon dito, posible umanong nahawa lamang ang ilang preso sa ibang may mga sakit na dahil sa matinding pagsisiksikan, init ng panahon at maduming kapaligiran lalo nat madaling makahawa ang TB virus.
Agad namang inihiwalay na ang mga presong nakitang nagtataglay ng naturang sakit upang hindi na makahawa pa sa iba at isinasailalim na sa kaukulang medikasyon.
Ipinag-utos naman ni Mayor Benhur Abalos na magsagawa pa ng mas ekstensibong medical exams upang mabatid din kung nagtataglay pa ng ibang mga sakit ang mga preso.
Nagpalabas na rin ng pondo ang lokal na pamahalaan upang ipantustos sa medikasyon ng mga TB patients na aabutin ng may tatlong buwang gamutan. (Ulat ni Danilo Garcia)